Sara Duterte nanindigang hindi dadalo sa vice presidential debates | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sara Duterte nanindigang hindi dadalo sa vice presidential debates

Joyce Balancio,
ABS-CBN News
Published Feb 28, 2022 10:49 PM PHT

MAYNILA—Nanindigan si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi siya dadalo sa mga debate para sa pagkabise presidente.

Nauna nang hindi dumalo si Duterte-Carpio sa debate ng CNN Philippines noong Sabado, at nagsabi na rin siyang hindi siya dadalo sa debate ng Commission on Elections sa Marso.

Hindi niya sinabi ang dahilan sa kaniyang desisyon.

"Yes, may reason ako but I don't want to say it to the public what the reason is. So we are discussing it with my team. We are drafting a statement and as of now no comment muna," sabi ni Duterte-Carpio sa isang press conference Lunes ng hapon sa Davao City.

Ipinagtanggol din ni Liloan, Cebu Mayor Christina Frasco ang hindi pagdalo ni Duterte-Carpio sa mga debate.

Aniya, hindi na kailangang dumalo nito sa mga debate dahil personal itong bumibisita sa mga tao.

"Far from the convenience of preaching platitudes from the pulpit, Mayor Sara has visited 70 cities, towns, islands, provinces, in less than 2 months, speaking directly to the people, listening to their problems, bringing aid where needed most, proving herself an accountable, transparent, and dependable national figure as early as now," aniya.

"Mayor Sara’s track record speaks for itself, and she has carried over her exceptional work ethic to the campaign," dagdag pa ni Frasco.

Matatandaang pinili lang din ng kanyang running mate na si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang dinadaluhang presidential interviews at debates.

Ayon sa kampo ni Marcos, kadalasang may conflict sa schedule ang mga debate.

Gayundin, hindi aniya nila gusto na tila pinag-aaway ang mga kandidato sa debate at mas pinipili nila ang presidential interviews kung saan mas maipapaliwanag niya umano ang kanyang panig sa mga isyu.

Samantala, sa kabila ng pangunguna niya sa mga pre-election survey, hindi pa rin umano kampante si Duterte-Carpio na mananalo siya sa darating na halalan.

"A seasoned politician advised me not to believe surveys, dahil hindi naman lagi na iyong unahan ng surveys sila ang nananalo. So dapat talaga tutukan ang kampanya, dapat talaga tutukan ang one on one sa mga tao, sa mga voters, at dapat masagot mo kung ano kailangan ng mga tao at kung ano ang kailangan nila sayo. It can be indicative of the trend but it doesnt necessarily mean na ikaw na ang panalo," aniya.