Kawatan sa Baseco Beach sa Maynila, timbog | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kawatan sa Baseco Beach sa Maynila, timbog

Kawatan sa Baseco Beach sa Maynila, timbog

ABS-CBN News

Clipboard

Arestado ang isang hinihinalang hold-upper sa Baseco Beach sa Port Area, Maynila. Photo courtesy of Manila Police District

MAYNILA - Arestado ang isang hinihinalang hold-upper sa Baseco Beach sa Port Area, Maynila.

Ayon sa Manila Police District, kumakain sa harap ng tindahan ang 58 anyos na biktima nang lapitan siya ng isang lalaki.

Tinutukan ang biktima ng patalim sa likuran at pinagbantaan umano ng suspek na papatayin kung hindi ibibigay ang cellphone.

Kinuha naman agad ng suspek ang cellphone na hawak ng biktima at tumakbo palayo.

ADVERTISEMENT

Agad nagsumbong ang biktima sa Baseco Police Station PCP 1 na nagkasa ng pursuit operation.

Nahuli ang 32 anyos na suspek na residente lang din ng Baseco.

Na-recover ang cellphone na nagkakahalaga ng P5,000 at ang patalim na ginamit.

Nahaharap ang suspek sa kasong robbery.

- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.