3 huli dahil sa piggery na nagtatapon ng dumi ng baboy sa dagat | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 huli dahil sa piggery na nagtatapon ng dumi ng baboy sa dagat

ABS-CBN News
Published Feb 28, 2019 03:33 PM PHT
|
Updated Feb 28, 2019 03:46 PM PHT

Sinampahan ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) ang may-ari at tatlong tauhan ng isang piggery sa San Fernando, Cebu matapos matuklasang nagtatapon sila ng dumi ng baboy sa dagat.

Sa aerial view kasi na kuha ng NBI, nakumpirmang nilagyan ng maraming tubo ang kanilang filtration facility na nagsilbing drainage sa mga dumi ng baboy at direktang pinadadaloy ito sa dagat.

Kinilala ang may-ari ng piggery na si Santiago Tanchan na ngayon ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Philippine Clean Water Act of 2004 at Fisheries Code.
Tumanggi munang magbigay ng pahayag si Tanchan na ngayon ay nakadetene sa tanggapan ng NBI kasama ang tatlong trabahador.

"Sa proper forum lang," tugon niya nang hingan ng pahayag.
"Sa proper forum lang," tugon niya nang hingan ng pahayag.
ADVERTISEMENT
Tatlong buwang minanmanan ng NBI ang piggery dahil sa natanggap na mga reklamo sa masangsang na amoy mula rito.

"This corporation is engaged in dumping of waste at untreated waste on the municipal waters of San Fernando. And that they were dumping this waste without the necessary permits from regulating agency," sabi ni NBI Environmental Crime Division chief Atty. Czar Eric Nuqui.
Sa resulta ng water sampling ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), napag-alaman na kontaminado na ang tubig sa lugar dahil sa dumi ng baboy.

"Ang result ng analysis, base sa ating standard, mataas talaga ang phospate, mayroon talagang contamination na nangyari," sabi ni BFAR-Region 7 Director Alfeo Piloton.

Pinatawan ng P14 milyon na multa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) regional office ang kompanya.

Inamin ng DENR na hindi sila nag-isyu ng cease and desist order laban sa piggery.

Sa ngayon, tinanggal na ng NBI ang mga tubo na lagusan ng mga dumi ng baboy.

—Ulat ni Joworski Alipon, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
krimen
rehiyon
regional news
Cebu
DENR
piggery
Philippine Clean Water Act of 2004
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT