Mga residente sa Batangas, naka-alerto sa ‘moderate steaming’ ng Bulkang Taal | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga residente sa Batangas, naka-alerto sa ‘moderate steaming’ ng Bulkang Taal

ABS-CBN News
Published Feb 27, 2020 03:51 AM PHT

SAN NICOLAS, Batangas—-Bagamat naaaninag sa mismong poblacion ng kanilang bayan ang mataas na usok na sanhi ng moderate steaming ng Bulkang Taal, nananatili pa rin sa kanilang mga bahay ang maraming residente ng San Nicolas, Batangas.

Ayon kay Mayor Lester de Sagun, hindi nagpapanic ang mga kababayan niya, pero nagmamatyag at naka-alerto sa ipinamamalas na pag-usok ng Bulkang Taal na nanatiling Level 2 ang alert status.

Tiniyak ng alkalde na mas handa na sila ngayon sakaling lumala muli ang sitwasyon dahil nakapagsagawa na sila ng evacuation drill noong mga araw matapos alisin ang lockdown sa bayan.

Walang naman umanong nagaganap na forced evacuation sa San Nicolas pero inalerto na umano ng alklade ang pulisya, Philippine Coast Guard, at kapitan ng labing-walong barangay nito.

Hindi naman umano pipigilan ng LGU ang mga residenteng magkukusang lumikas o pre-emptive evacuation dahil mainam din ito.

Base sa evacuation plan ng San Nicolas, nasa munisipyo ang mga rescue vehicle habang dadalhin sa mga bayan ng Bauan, San Pascual at Batangas City ang mga lilikas.