Mga pahayag ng Senate bets sa TRAIN law, K to 12, totoo ba? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga pahayag ng Senate bets sa TRAIN law, K to 12, totoo ba?

Mga pahayag ng Senate bets sa TRAIN law, K to 12, totoo ba?

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 22, 2019 04:01 PM PHT

Clipboard

Walong kandidato sa pagkasenador ang nagpahayag ng kanilang mga tindig sa sari-saring isyu sa ikalawang "Harapan 2019" noong Pebrero 24, 2019. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Sa ikalawang "Harapan 2019," ang senatorial debate ng ABS-CBN, 8 kandidato ang nagtagisan ng kanilang mga kaalaman sa mga isyung panlipunan at mga plataporma.

Sa fact-checking ng ABS-CBN Investigative and Research Group, tiningnan ang konteksto ng ilang pahayag at ito ang mga nakita.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa nangyaring "Harapan," maraming kandidato ang nagsabi na ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay dahil sa pagtaas ng presyo ng langis na sinisi naman sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law o reporma sa sistema ng buwis.

"Bakit tumataas ang langis? Dahil sa taxes. 'Yang buwis na yan ay dapat natin pag-aralan," anang kandidatong si Romulo Macalintal.

ADVERTISEMENT

"Ako'y naniniwala na ito'y epekto ng TRAIN law, 'yong pagpapatong ng taxes sa petroleum products," sabi naman ni Gary Alejano.

"Alam naman natin kapag nagmahal ang transportasyon, nagmamahal ang presyo ng lahat," ani Mar Roxas.

"Kailangan i-suspend ang excise taxes," ani Erin Tañada.

"Isang batas, nire-repeal ang excise tax ng TRAIN law, 'yan po ang maitutulong namin sa inyo," ani Neri Colmenares.

Bagaman may katotohanan ang pahayag na nagtaas ang presyo ng langis dahil sa TRAIN law, hindi dapat sa naturang reporma isisi ang lahat. Kasama rin kasi rito ang pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado at ang pagbagsak ng halaga ng piso.

Hindi naman naitago ni Mar Roxas ang mariing pagtutol sa TRAIN.

"Bakit ko gustong tanggalin ang buwis sa produktong petrolyo? P10 bawat litro 'yan na ipapataw ng TRAIN 1 and TRAIN 2," aniya.

Totoong aabot sa P10 kada litro ang buwis sa gasolina sa 2020 pero sa ngayon P9 kada litro ang tax.

Hindi pa naipapasa ang TRAIN 2, na nabanggit ni Roxas, na para sa corporate income taxes.

Sa usapin naman ng edukasyon, sinisi ng dating pulis na si Abner Afuang ang K to 12 law kay dating Education Secretary Armin Luistro.

"Lalong dumami ang mga street children. Pilitin nating ma-abolish 'yang salot na batas na nilikha ng dating DepEd, si Armin Luistro," ani Afuang, na dati ring alkalde ng Pagsanjan, Laguna.

Totoong sinuportahan ni Luistro ang K to 12 pero ang rekomendasyong dagdagan ng 1 o 2 taon ang basic education ay nagsimula noon pang panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos.

Wala ring datos na magsasabi kung dumami o kumaunti ang street children dahil sa reporma sa sistema ng basic education.

Tinawag naman nina Colmenares at Alejano na "corrupt" si dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Opinyon ng dalawa ang tinanong kaya walang maling sagot.

Subalit magugunitang na-dismiss ang kasong plunder laban kay Arroyo kaugnay ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ibinasura na rin ng korte ang graft and corruption charges kaugnay ng NBN-ZTE contract, ang electoral sabotage case, gayundin ang human rights violation na sinampa ng United Church of Christ in the Philippines.

Sa kasaysayan ng Pilipinas, si dating pangulong Joseph Estrada pa lang ang na-convict sa kasong plunder noong 2007 pero binigyan ng pardon ni Arroyo.

ABS-CBN Integrated News & Current Affairs is a part of TSEK.PH, a collaborative fact-checking initiative by the academe and the media for the 2019 Philippine midterm elections.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.