Konstruksiyon ng Metro Manila Subway sisimulan na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Konstruksiyon ng Metro Manila Subway sisimulan na

ABS-CBN News
Published Feb 27, 2019 07:45 PM PHT
|
Updated Feb 27, 2019 08:47 PM PHT

Aarangkada na ang konstruksiyon ng Metro Manila Subway kasunod ng groundbreaking ceremony na idinaos ngayong Miyerkoles.

Nagkakahalagang P350 bilyon ang proyekto na anim na taong nabinbin.

May 15 istasyon ang subway na may habang 36 kilometro mula Valenzuela hanggang Ninoy Aquino International Airport.

Kasama sa mga tatayuan ng istasyon ang Quirino Highway, Tandang Sora, North Avenue, Quezon Avenue, East Avenue, Anonas, Katipunan, Ortigas North, Ortigas South, Kalayaan Avenue, Bonifacio Global City, Lawton East, Lawton West, NAIA Terminal 3 at FTI Taguig.

Nasa 80 kilometro kada oras ang target na bilis ng tren na bibilhin mula Japan kaya aabutin na lang daw ng kalahating oras ang biyahe mula Quezon City hanggang NAIA Terminal 3.

Tatlo sa 15 istasyon ang gagawin bago matapos ang Duterte administration — ang Quirino Station sa may Quirino Highway, Tandang Sora Station, at North Avenue Station malapit sa Veterans Memorial Medical Center.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Jojo Garcia, magdudulot ng matinding trapiko ang pagtatayo ng subway.

Magiging mabilis naman daw ang paggawa dahil sa tunnel boring machine na bubutas sa lupa na dadaanan ng subway.

Ang naturang teknolohiya ay mula rin sa Japan na siyang contractor ng gobyerno sa proyekto. -- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
transportasyon
pasahero
tren
subway
Metro Manila Subway
Department of Transportation
Metropolitan Manila Development Authority
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT