May trabaho na bang mapapasukan ang K-12 graduates? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

May trabaho na bang mapapasukan ang K-12 graduates?

May trabaho na bang mapapasukan ang K-12 graduates?

ABS-CBN News

Clipboard

: Kuha sa isang rally ng mga estudyanteng kumokontra sa pagpapatupad ng K-12 program, Agosto 25, 2015. File photo

Nakatakdang magtapos sa Marso ang unang batch ng mga estudyanteng sumailalim sa K-12 program ng gobyerno o ang pinalawig na basic education system ng Department of Education (DepEd) na sumasaklaw hanggang senior highs chool.

Sa ilalim ng K-12, sinasabing nagkakaroon na ng sapat na kakayahan ang isang estudyante para makapagtrabaho kahit hindi siya nakatapos pa ng kolehiyo.

Gayunman, hindi tiyak ng isang online jobs portal kung mayroon nga bang mga trabahong partikular na bubuksan o magiging rekisito ang pagtatapos sa senior highschool.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa panayam ng "S.R.O." ng DZMM kay Cielo Sonza, Jobstreet country marketing manager, sinabi niyang karamihan pa rin kasi sa mga nakapaskil sa kanilang trabahong mayroong opening ay para sa mga nakapagtapos ng kolehiyo.

ADVERTISEMENT

"Currently po, wala pa po kaming masyadong klarong view sa status po ng jobs to be made available to K-12 students by... the companies posting within Jobstreet," ani Sonza.

Dagdag ni Sonza, mayroon din namang mga trabaho sa industriya ng business process outsourcing (BPO) na bukas maging sa mga nakapagtapos lang ng high school.

Karaniwang ito ay mga trabahong entry-level o ibinibigay sa mga nagsisimula pa lang ng karera, gaya ng agents o telemarketers sa call center, merchandiser o salesperson, at posisyong clerical o administratibo.

"The BPO industry and the companies within it are accepting po candidates or talents na high school graduate po ang tinapos," sabi ni Sonza.

Kumpiyansa rin si Sonza na mahihikayat ang mga kompanya na isaalang-alang ang kakayahan ng K-12 graduates para sa mga trabahong bubuksan.

ADVERTISEMENT

"Palagay namin 'yong jobs na maaari rin, o nababatay rin sa fresh graduates, puwede rin sa K-12 students," aniya. "The government and the private sector are still... working together to mobilize jobs for K-12 graduating students."

Maging ang Department of Education, tiwalang makahahanap ng trabaho ang mga magsisipagtapos ngayong taon sa K-12.

Ayon kay Jesus Lorenzo Mateo, undersecretary for planning and field operations ng Department of Education (DepEd), binuo ang tracks o ang mga specialization sa K-12 para mismo masanay ang mga estudyante sa mga kakayahang pinakahinahanap sa trabaho.

"Noong ginawa natin ang programs, especially pagdating sa technical, vocational, and livelihood skills, inatada natin 'yon doon sa... pinag-aralan natin 'yong jobs mismatch study ng DOLE [Department of Labor and Employment]," ani Mateo.

Hindi rin lang aniya DepEd ang bumuo ng tracks para sa K-12; nakibahagi rin sa pagbuo nito ang mga kinatawan ng Commission on Higher Education, Technical Education and Skills Development Authority, DOLE, akademya, at maging chambers of commerce.

ADVERTISEMENT

Nauna nang nagpahayag ng pangamba ang Philippine Chamber of Commerce and Industry na maaaring hilaw pa sa karanasang makatutulong sa pagtatrabaho ang ilang magtatapos sa K-12 program dahil kulang pa ang 80 oras o dalawang linggo lang na minimum requirement para sa on-the-job training ng unang batch ng K-12 students na magtatapos.

Pero muling tiniyak ni Mateo na handa nang magkaroon ng karera ang mga magsisipagtapos sa K-12. May kakayahan din daw silang magsimula ng sarili nilang negosyo.

"Sa lahat no'ng mga track natin, naka-embed doon 'yong tinatawag na entrepreneurship... kasi rather than be an employee, you might as well be an employer di ba? So you need to have some skills set pagdating doon."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.