Retrato mula kay Moreno Gonzaga
Nalubog sa baha ang ilang lugar sa Roxas City, Capiz dahil sa magdamag na walang tigil na pag-ulan noong Sabado.
Agad namang nilikas ang ilang pamilya sa mga barangay ng Bolo, Dinginan, Lawaan at Sibaguan matapos pasukin ng malakas na agos ng baha ang kanilang mga bahay.
Ayon sa datos ng Roxas City Disaster Risk Reduction and Management Office, 105 pamilya ang apektado ng baha sa lugar.
Agad namang nagbigay ng tulong, gaya ng pagkain at gamot kontra leptospirosis, ang lokal na pamahalaan sa mga apektadong pamilya.
Ayon sa state weather bureau na PAG-ASA, ang pagbuhos ng malakas na ulan sa lugar ay dala ng hanging Amihan.
Sa ngayon ay nakabalik na sa kani-kanilang mga tahanan ang mga inilikas na pamilya matapos humupa ang baha.
— Ulat ni Rolen Escaniel
RELATED VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.