Poland, pumayag papasukin ang mga Pinoy na lumilikas mula Ukraine | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Poland, pumayag papasukin ang mga Pinoy na lumilikas mula Ukraine

Jerome Fadriquela | TFC News
Published Feb 26, 2022 05:25 PM PHT

MANILA - Pumayag ang Poland na papasukin sa kanilang bansa ang mga Pilipinong lumilikas mula Ukraine kahit walang EU visa, ito ang sabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. nitong Huwebes, February 24, 2022.

Sa kanyang tweet ilang oras matapos inanunsyo ng Russia ang tinatawag nitong pagsasagawa ng "military operation" sa Ukraine, itinaas na sa high alert ang Philippine Embassy sa Warsaw, Poland.

Ang Philippine Embassy sa Poland ang pinakamalapit sa western border ng Ukraine.

Pinasalamatan naman ni Locsin ang Poland sa pagtanggap sa mga Pinoy sa Ukraine. Sa kasalukuyan, anim na Pinoy na ang nakatawid sa Poland. Apat na Pilipino naman ang nag-request ng repatriation pauwi ng Pilipinas.

Gagawin naman ng DFA ang kanilang makakaya para makalipad agad ang mga gustong umuwi ng Pilipinas ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola.

Ayon din sa DFA,may consular team na ngayon sa Lviv, Ukraine para matutukan ang paglikas ng mga natitira pang mga Pilipino roon. Nakikipag-ugnayan na sila sa Filipino community at Ukrainian authorities.

Kinumpirma naman ng DFA ngayong araw (February 26, 2022) na nakarating na ang may 40 Pilipino sa western Ukrainian city na Lviv mula sa Ukrainian capital, Kyiv. Marami pang mga Pilipino ang inaasahang darating sa Lviv sa mga susunod na araw.

Si Philippine Ambassador to Poland Leah Basinang-Ruiz ang nakatutok sa repatiation activities sa Lviv.

Siniguro naman ni Ambassador Ruiz na tutulungan nila ang mga nais tumawid patungong Poland upang makasakay sa kanilang flight pauwi ng Pilipinas.

“The Philippine Embassy in cooperation with DFA-OUMWA, is committed to assisting the remaining Filipinos in Kyiv and in other parts of Ukraine in order to bring them out of harm's way while there is still time,” pahayag ni Ambassador Basinang-Ruiz.

Ibinalita rin ng DFA na nasa Poland na ngayon si Secretary Locsin para matutukan ang repatriation ng mga Pilipino mula Ukraine.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Ukraine at Russia, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT