TINGNAN: Ateneo nag-prayer rally para sa EDSA revolution anniversary | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Ateneo nag-prayer rally para sa EDSA revolution anniversary

TINGNAN: Ateneo nag-prayer rally para sa EDSA revolution anniversary

ABS-CBN News

Clipboard

Isang prayer rally at candle lighting ceremony ang idinaos sa Ateneo de Manila University grounds bilang paggunita sa ika-36th na anibersaryo ng People Power Revolution, na simbolo anila ng pagtutol nila sa pagbabalik ng mga Marcos sa pamahalaan.

Sinimulan ang aktibidad alas-5:30 ng hapon sa pamamagitan ng misa. Bago ang candle lighting, nagdasal muna ang lahat.

Sabi ni Rev. Ed Colmenares, mahalaga ang dasal sa paggunita ngayon ng EDSA People Power Revolution. Dapat umanong alalahanin ng mga Pilipino kung bakit nagkaroon ng people power revolution noong 1986.

“Binabalikan din natin kung ano yung diwa ng EDSA lalong lalo na malapit na ang eleksyon. Babalikan natin kung ano yung pinapahalagahan natin bilang isang bayan sa EDSA para iyon ang ating magiging gabay sa ating pagpili, sa ating pagdedesisyon sa mga susunod na mga buwan lalo na na pipili tayo uli ng ating pinuno.”

ADVERTISEMENT

Sa pamamagitan umano ng People Power Revolution ay napatalsik ang pamilyang Marcos dahil sawa na ang taong bayan sa diktaturya.

Kaya dagdag pa ni Rev. Colmenares, dapat pahalagahan ang ang tunay na dahilan ng ipinaglaban sa people power revolution.

“At lalo na nakikita natin na unti-unting bumabalik ang pamilyang Marcos o diktaturya na itinumba, pinaalis natin dahil dun sa Batas Militar," aniya.

Sa pagsisindi ng kandila, dasal ng grupo na magsilbi itong liwanag sa lahat ng Pilipino na gumising at huwag kalimutan ang ipinaglaban sa EDSA noong 1986.

Matatandaang tatakbo ang anak ni Marcos na si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa pagkapangulo.

-- Ulat ni Wheng Hidalgo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.