Ilang nagnakaw umano sa Korean restaurant sa Maynila arestado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang nagnakaw umano sa Korean restaurant sa Maynila arestado

Ilang nagnakaw umano sa Korean restaurant sa Maynila arestado

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 26, 2020 07:01 PM PHT

Clipboard

Nakuhanan ng CCTV ang pagnanakaw ng 4 na lalaki sa isang restoran sa Malate, Maynila. ABS-CBN News

Naaresto ng Manila police ang 2 sa 4 na nagnakaw sa isang Korean restaurant sa Malate district.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang mga suspek bilang sina Winston Pante, 26, at Gener Ganitnit, 30. Pareho umano silang nakatira sa may P. Ocampo Avenue sa Malate.

Hinuli sila ng mga awtoridad matapos positibong kilalanin ng mga biktimang nagmamay-ari ng isang Korean restaurant na ninakawan umano nila noong madaling araw ng Martes.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa tulong ng kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera, natukoy ng mga awtoridad si Ganitnit at ipinatawag ito sa barangay. Siya naman ang nagkanta sa kasabwat na si Pante.

ADVERTISEMENT

Narekober sa mga suspek ang digital rice cooker at electric fan na tinangay mula sa restoran. Bukod sa mga iyon, tinangay din nila ang isang sako ng bigas.

Mahaharap sa kasong theft ang mga suspek, ayon sa pulisya.

Patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad sa 2 pa nilang kasamahan. -- Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.