Kahera ng 'extra service' spa sa Makati, arestado; 12 babae, nasagip

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2020 05:52 AM | Updated as of Feb 25 2020 07:49 PM

Timbog ang isang kahera habang ligtas naman 12 na babae matapos magpositibo na nag-aalok umano ng "extra service" sa kanilang spa madaling araw ng Martes sa Barangay Poblacion, Makati. 

Bukod sa masahe, nakikipagtalik rin umano ang mga masahista sa mga customer at may mga "package" na magpipilian.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon kay Police Col. Rogelio Simon hepe ng Makati Police, lehitimong spa ang nilusob at may kumpletong pasilidad pero prente lamang umano ito at may nangyayari na ilegal na gawain sa loob. 

Kakasuhan ang kahera ng human trafficking habang isasailalim naman sa imbestigasyon ang 2 houseboy at 3 Chinese national na umano’y karaniwang tumatangkilik sa naturang spa.-Ulat nina Jekki Pascual at Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.