OFWs sa Hong Kong, tinuruan ng pagnenegosyo pag-uwi sa Pilipinas | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

OFWs sa Hong Kong, tinuruan ng pagnenegosyo pag-uwi sa Pilipinas

OFWs sa Hong Kong, tinuruan ng pagnenegosyo pag-uwi sa Pilipinas

Jefferson Mendoza  | TFC News Hong Kong 

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

HONG KONG - Ginugugol ngayon ng OFW na si Sandra Pontillo ang kanyang libreng oras para madagdagan ang kaalaman sa pagnenegosyo para may pagkakitaan sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas. Pangarap ni Pontillo na makapiling na ang kanyang pamilya sa Pilipinas.

“Lagi natin isipin na mayroon tayong matututunan tayo sa bawa’t araw natin ginagawa especially sa ating off...every Sunday maging makubuluhan kaysa pupunta kahit saan saan,” sabi ni Pontillo.

Si Nora Alibusa napaghandaan na ang pagbabalik sa Pilipinas matapos ang dalawampu't-walong taong pagtatrabaho bilang household service worker sa Hong Kong. Ngayon ay may-ari na siya ng isang beauty at spa salon sa Pilipinas.

Bago kasi siya umuwi sa Iloilo, inaral na niya kung paano magtayo ng sariling negosyong parlor at spa.

ADVERTISEMENT

“Maraming OFWs na nag for good na nabibigo just like for example baon sa utang. Hindi successful sa pagpunta nila abroad as an OFW.

Ang wish ko at dinarasal yung pagbalik ko sa pag for good ko buo pa rin ang pamilya ko at maisip ko na sa pag for good ko dapat mayroon akong source of income. Kasi pag abroad, malayo tayo sa pamilya natin, hindi habang buhay tayo OFW,” sabi ni Alibusa.

Para naman sa OFW na si Nancy Merilles hindi lang bagong pagkakaabalahan kundi magandang investment para sa sarili ang matuto ng ibang skills gaya ng pagmamasahe. Alam niyang magagamit niya ito para makapagnegosyo pagbalik niya ng Pilipinas.

“Don’t stop aiming for your goal. Na kung tayo ay nag-uumpisa lang tayo na ganito, I wanted to empower na hindi po eto napupunta pag nag for good na tayo, mayroon tayong knowledge na at we are happy and smile na mayroon tayong negosyo to go back home,” ani Merilles.

Katuwang ng mga OFW na nais mag-uwi ng bagong kaalalam pagkatapos ng kanilang pangangamuhan sa HK ang United Migrant Entrepreneurship and Livelihood Association o UMELA isang non-profit organization.

Mula nang itatag ito noong 2008, higit pa sa pagtuturo ng iba-ibang livelihood skills ang naibahagi nito sa mga OFW.

“Ipinangtutulong din namin sa mga kapwa OFWs na nangangailan halimbawa may mga sakit at namatayan... And then tumutulong din kami sa mga shelter like Bethune House nangangailangan ang kapwa natin doon na-terminate na may sakit...,” sabi ng OFW na si Ofelia Baquirin, founder ng UMELA.

Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.