Sekyu timbog sa pagnanakaw ng condom sa convenience store | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Sekyu timbog sa pagnanakaw ng condom sa convenience store

Sekyu timbog sa pagnanakaw ng condom sa convenience store

ABS-CBN News

Clipboard

Nasapul sa CCTV ang pagnanakaw ng isang security guard sa isang kahon ng condom sa pinagtatrabahuhan niyang convenience store sa Davao City. Video mula sa Tugbok Police Station

DAVAO CITY — Naaresto noong gabi ng Biyernes ang isang security guard matapos umanong magnakaw ng isang kahon ng condom sa pinagtatrabahuhan niyang convenience store sa Barangay Mintal sa lungosd na ito.

Sa kuha ng CCTV ng convenience store, mapapanood na tila nagmasid muna ang 21 anyos na guwardiya bago biglang kinuha ang kahon ng condom sa counter at itinago sa kaniyang bulsa.

Ipinahuli ng manager ng convenience store ang guwardiya matapos mapunang may nawawalang produkto habang nagi-inventory, ayon kay Chief Inspector Ricky Obenza.

"Ni-review nila sa CCTV at doon nakita na pasimpleng kinuha," ani Obenza.

ADVERTISEMENT

Inamin naman ng guwardiya ang pagkuha sa produkto pero ipinaliwanag din niyang na-curious lang daw siya rito.

Kakasuhan ang guwardiya sa kasong qualified theft.

-- Ulat nina Chrislen Bulosan at Cheche Diabordo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.