Barangay chairman posibleng target sa pagsabog sa Iloilo waiting shed | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Barangay chairman posibleng target sa pagsabog sa Iloilo waiting shed

Barangay chairman posibleng target sa pagsabog sa Iloilo waiting shed

Cherry Palma,

ABS-CBN News

Clipboard

Iniinspeksyon ng pulis ang waiting shed na naapektuhan ng pagsabog ng granada nitong Biyernes ng gabi. ABS-CBN News

ALIMODIAN, Iloilo -- Maaaring isang punong barangay ang target ng pagpapasabog sa isang waiting shed sa bayan na ito kamakailan, sinabi ng pulisya ngayong Linggo.

Tanging naapektuhan anila sa pagsabog ng granada nitong Biyernes ng gabi ang motorsiklo ni Ronil Cabalfin, chairman ng Barangay Baguingin-Lanot, na nakaparada roon.

Nalaman din ng mga pulis na madalas na tambayan ni Cabalfin at ng kaniyang mga kaibigan ang waiting shed.

Walang nasaktan sa insidente.

ADVERTISEMENT

Gayunman, sinabi ni Cabalfin na nababahala siya dahil sa umano’y pagtatangka sa kanyang buhay.

Iginiit din ng punong barangay na wala naman siyang nakaaway.

Hindi pa natutukoy ang mga suspek sa insidente.

Inaasahan naman ng mga residente ang pagpapaigting na seguridad sa bayan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.