Mga alkalde sa Metro Manila inirekomendang i-Alert Level 1 ang NCR | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga alkalde sa Metro Manila inirekomendang i-Alert Level 1 ang NCR

Mga alkalde sa Metro Manila inirekomendang i-Alert Level 1 ang NCR

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 23, 2022 06:51 PM PHT

Clipboard

MAYNILA - Inirekomenda na ng karamihan ng mga alkalde ng Metro Manila ang paglalagay ng lugar sa Alert Level 1, kung saan aalisin na ang restrictions sa mga bubuksang establisimyento.

Unanimous ang boto ng mga alkalde para i-downgrade ang alert level status, ayon kay Metro Manila Development Authority officer-in-charge Romando Artes.

Ayon aniya sa mga alkalde, walang naitalang pagtaas sa COVID-19 cases sa loob ng 2 linggo sa kabila ng mga campaign sortie.

Umaasa ang konsehong pakinggan ng Inter-Agency Task Force ang rekomendasyon ng mga alkalde oras na ilagay ang Metro Manila sa nasabing alert level, kung saan aalisin na ang physical distancing sa mga establisimyento.

ADVERTISEMENT

Muli namang iginiit ni Philippine College of Physicians President Dr. Maricar Limpin na dapat paghandaan ang pagluluwag ng restrictions bago ipatupad ang Alert Level 1.

Kung siya aniya ay tatanungin ay hindi pa siya pabor dito. Gayunpaman aniya, mahalagang maihanda ang mga workplace at eskuwelahan para tiyaking ligtas ang publiko kapag pisikal nang nagbalik-trabaho at balik-eskuwela para maiwasan ang pagkakaroon muli ng COVID-19 surge.

Giit pa ni Limpin na malaki ang papel ng kooperasyon ng business sector sa pagluluwag ng protocols.

"Matagal na rin nating sinuggest na magkaroon talaga tayo ng scheduling by batches para sa ganu'n ang mga tao hindi lalabas nang sabay-sabay at uuwi nang sabay-sabay, so I think ang business sector malaki ang role na gagampanan para mapigilan ang masyadong siksikan pagdating sa kalye," ani Limpin.

Kung hindi ito maayos ay posible ang surge, ayon sa kaniya.

Idiniin ng mga alkalde na mababa na ang COVID-19 positivity rate at kontrolado na ang health care utilization.

Huwebes posibleng talakayin ng IATF ang rekomendasyon ng mga alkalde.

-- May mga ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.