Migrant workers sa Taiwan, puwede nang mag-apply ng permanent residency | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Migrant workers sa Taiwan, puwede nang mag-apply ng permanent residency

Migrant workers sa Taiwan, puwede nang mag-apply ng permanent residency

Marie Yang | TFC News Taiwan 

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

TAIWAN – Ikinatuwa ng mga OFW sa Taiwan ang pagsasabatas ng Executive Yuan sa panukala ng Ministry of Labor na payagan na ang mga migrant worker na mag-apply para sa permanent residency. Bunsod na rin ito ng matinding shortage ng mid-level skilled manpower sa bansa.

“…meron pong inilabas ang Ministry of Labor na kapag ang isang manggagawa ay nagtrabaho na ng 6 na taon, puwede na silang mag-apply na tinatawag na i-classify ang kanilang posisyon as intermediate skilled worker o manpower. So after working for 6 years po yan tapos kapag nag-work na rin sila ng 5 years from the time they were reclassified as intermediate skilled worker ay puwede na rin silang mag-apply ng permanent residency,” pahayag ni Labatt Atty. Cesar Chavez, Jr., Director ng MECO Labor Affairs.

Kabilang sa mga kondisyon sa permanent residency application ng migrant worker sa Taiwan ang salary bracket.

“Para sa manufacturing workers dapat ay not less than 33 thousand NT, doon naman sa mga domestic at caregivers na nasa long term care homes dapat 29 thousand NT, yung regular salary hindi bababa dyan at para sa mga live-in yung mga nasa bahay na caretaker at domestic worker caregivers dapat tumatanggap sila ng regular salary na NT24 thousand,” paliwanag ni Atty. Chavez.

ADVERTISEMENT

Requirement din ang Chinese proficiency at professional skills training certificates mula sa government-approved training courses.

Isa sa mga nagalak sa balita si Jocelyn Madrid, isang Pinay factory worker sa New Taipei.

“Excited po ako kasi 8 years na ako dito at kailangan ko po ng trabaho para po matulungan ko ang aking pamilya,” sabi ni Madrid.

Sa ngayon limitado muna ang programang ito sa manufacturing, fishing, agriculture, construction, nursing/social welfare category gaya ng caregivers. Pasok din ang mga overseas Chinese at international students.

“…so isa din yun sa major goals natin na makapag-stay ng diretso dito sa Taiwan na parang ano yung limitless na…syempre gusto din nating mabigyan ng magandang buhay ang ating pamilya at mga minamahal natin na madala sila rito at ma-embrace din nila ang kagandahan na binibigay ng Taiwan,” ani Darius dela Cruz, Filipino international student sa Yuda University sa Miaoli.

Ayon sa Ministry of Labor ng Taiwan, posibleng maipatupad ang batas na ito bago magkatapusan ng April 2022.

Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.