2 patay matapos makuryente sa inaayos na water pump

ABS-CBN News

Posted at Feb 23 2021 09:53 AM

Nakuryente ang dalawa matapos makahawak ng live wire habang nagkukumpuni ng water pump sa Lope de Vega sa Northern Samar. Larawan mula sa Lope de Vega police

Patay ang dalawang lalaki matapos na makuryente habang nagkukumpuni ng water pump sa Lope de Vega, Northern Samar, Lunes ng umaga.

Ayon sa pulisya, nakilala ang mga nasawi na sina barangay tanod Roberto Yrigan, at ang tubero na si Romeo Interior. 

Nangyari ang insidente sa P6, Barangay Poblacion, alas 11:40 ng umaga. 

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nag-aayos ng metal tube ng water pump ang dalawa nang aksidente nilang mahawakan ang live wire at tuluyang nakuryente. 

Nadala pa ang mga biktima sa Northern Samar Provincial Hospital, ngunit idineklara na ring patay na ng sumuring doktor.

- Ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.