Pagsasagawa ng 'Sunog Sala' para sa Ash Wednesday | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagsasagawa ng 'Sunog Sala' para sa Ash Wednesday

ABS-CBN News
Published Feb 21, 2023 04:52 PM PHT
|
Updated Feb 21, 2023 05:02 PM PHT

MAYNILA -- Bilang paghahanda sa Ash Wednesday, nagsimula nang magsunog ng mga palaspas ang iba't ibang simbahan nitong Martes.

Sa social media post ng Nativity of Our Lady Parish - Marikina, makikita ang mga larawan kung saan nagtipon ang mga kawani ng simbahan at parishioners.

Nakalagay sa isang malaking lagayan ang mga tuyong palaspas at sinimulang apuyan.

Ayon kay Ruth Reyes, Social Communications Coordinator ng Nativity of Our Lady Parish - Marikina ay nagsimula ito bandang alas-5:30 ng madaling araw.

Samantala, sa video na ibinahagi sa social media ng Gintong Butil - Parokya ni San Isidro Labrador, Malinta, Valenzuela ay mapanonood ang proseso sa pagsasagawa ng pagsusunog ng mga palaspas.

Ayon kay Philip Paraños, Social Communications Ministry mula sa Parokya ni San Isidro Labrador Malinta, Valenzuela ay isinagawa ito bandang alas-6 ng umaga bago mangyari ang unang misa.

Dinaluhan ito ng mga kawani ng simbahan at mga magsisimba para sa unang misa.

Sa paliwanag ni Ric Rufino, evangelization head ng Nativity of Our Lady Parish - Marikina ay tinatawag na "Sunog Sala" ang pagsusunog sa mga nalikom na tuyong palaspas.

Ang mga abo na mula sa sinunog na palaspas ang ilalagay at gagamitin para sa Ash Wednesday.

"As it is coined from the 'sunog sala' or 'silab sala,' I believe the deeper meaning would be to go away with our sins bilang paghahanda sa ating repentance period ngayong Lenten season... prayer, alms giving and fasting mode tayo, 'yun 'yung naghuhudyat bilang paghahanda sa 40 days of Lent ay talikuran o tanggalin 'yung mga kasalanan at kasama na 'yun dito na ginagawa sa 'sunog sala,'" ani Rufino. -Ulat ni Cielo Gonzales, Bayan Mo Ipatrol Mo