4 patay sa banggaan ng kotse, motorsiklo

Yasmin Pascual-Dormido, ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2020 01:27 PM

Makikita sa larawang ito ang isang sedan na sumalpok at kumaladkad sa isang motorsiklo, dahilan para mamatay ang 4 na katao, kabilang ang isang 15-anyos na lalaki. Manapla police

MANAPLA, Negros Occidental — Apat ang patay, kabilang ang isang menor de edad, matapos sumalpok ang isang sedan sa nakaparadang motorsiklo sa bayan na ito, Biyernes ng madaling-araw. 

Nakikipaglamay at nakaupo ang 15-anyos na estudyanteng si Jeljuredu Labrador sa motorsiklo nang banggain at kaladkarin ito ng sedan hanggang mahulog sa kanal sa Barangay Tortosa. 

Nasawi ang binatilyo gayundin ang 3 sa 5 pasahero ng sedan na sina Angeles Salmorin, Delina Cabana at Dolores Granada dahil sa dami ng sugat sa katawan. 

Maaaring nakaidlip ang drayber ng sedan na maghahatid sana ng mga pasahero sa isang faith healer sa Capiz City, ayon kay Manapla police chief Police Capt. Jaynick Bermudez. 

Inaalam pa aniya ng mga imbestigador kung saang ospital dinala ang 2 sugatang sakay ng sedan, samantalang tumanggi ang drayber na humarap sa camera at magbigay ng pahayag. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.