Mga timbangan na walang selyo, kumpiskado sa palengke sa Bacolod

Yasmin Pascual-Dormido, ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2018 01:36 PM | Updated as of Oct 01 2018 12:59 PM

BACOLOD - Kinumpiska ng mga awtoridad ang ilang timbangang hindi selyado mula sa Bacolod City Central Market, Miyerkoles ng umaga.

Ang mga timbangan na walang selyo mula sa lokal na pamahalaan ay napag-alamang sira o di kaya ay may daya sa pagkikilo.

Ilan sa mga nakumpiskang timbangan ay nagbibigay ng timbang na mas mababa ng 25 hanggang 30 gramo kumpara sa tunay na bigat ng kinikilong produkto, paliwanag ng mga opisyal mula sa Market Coordinating and Monitoring Task Force, City Legal Office, at City Treasurer's Office.

Ang mga sira at di selyadong timbangan ay nakuha mula sa pamilihan ng isda, karne, gulay, at prutas.

Ayon sa mga awtoridad, pagmumultahin ng P300 hanggang P1,000 ang mga puwesto na gumagamit ng mga di selyadong timbangan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.