41 bahay tupok sa sunog mula sa umano'y drug den; 3 anyos, nawawala

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2019 05:35 PM

Nasa 41 bahay ang nasunog sa Barangay Zone 6, San Carlos City, Negros Occidental Martes ng hapon.

Base sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa isang bahay na umano'y ginagawang drug den at pagaari ng dati nang naaresto ng pulisya dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Pawang mga gawa sa light materials ang mga bahay na nasunog.

Sabi ni SFO2 Marilou dela Cruz, may 3-taong gulang na batang pinaghahanap pa hanggang sa kasalukuyan. Naiwan umano ng kaniyang lola sa kanilang bahay ang bata nang mangyari ang sunog.

Tinatayang nasa P150,000 ang halaga ng napinsala ng sunog.

Kasalukuyang nasa covered court ng barangay ang mga nasunugan at naghihintay ng financial assistance mula sa lokal na pamahalaan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.