200 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Davao | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

200 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Davao

200 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Davao

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 20, 2019 06:07 PM PHT

Clipboard

DAVAO CITY — Nasa 200 na pamilya ang apektado ng sunog na sumiklab Miyerkoles ng hapon sa isang residential area sa Barangay 23-C sa lungsod na ito.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog, na nagsimula pasado ala-1 ng hapon at idineklarang under control bandang alas-2:25.

Mabilis umanong kumalat sa mga bahay ang apoy dahil gawa ang mga ito sa kahoy at light materials.

Ayon sa residenteng si Jay-Ar Bardinas, mayroon siyang nakitang lalaking nagsindi ng cellophane at tela sabay itinapon ang mga ito sa isa sa mga bahay.

ADVERTISEMENT

Patuloy na inaalam ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsala.

-- Ulat ni Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.