LRT-1, MRT nagkaaberya, nagpababa ng mga pasahero | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

LRT-1, MRT nagkaaberya, nagpababa ng mga pasahero

LRT-1, MRT nagkaaberya, nagpababa ng mga pasahero

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 20, 2018 08:06 AM PHT

Clipboard

MANILA - Tinamaan ng magkahiwalay na aberya ang MRT-3 at LRT-1, dahilan para pababain nang wala sa oras ang mga pasahero sa gitna ng rush hour ngayong Martes ng umaga.

Sa R. Papa station ng LRT-1, pinababa ang 120 pasahero matapos bumagsak ang air pressure gauge ng isang tren dakong alas-6 ng umaga.

Bumalik sa normal ang operasyon ng LRT-1 makalipas ang nasa 30 minuto, ayon sa direktor ng railway na si Engr. Rod Bolario.

Nag-unload naman ng mga pasahero ang MRT sa pagitan ng Shaw at Ortigas stations pasado alas-6:30 ng umaga dahil sa electrical failure. Naglakad ng ilang metro ang mga pasahero para makabalik sa Ortigas station.

ADVERTISEMENT

Nagkakaroon ng electrical failure ang isang tren dahil sa mga bulok o lumang piyesa, sabi ni MRT media officer Aly Narvaez.

Hindi naman nagsuspinde ng operasyon ang MRT, bagaman naantala ang ilang biyahe habang ibinabalik sa depot ang nasirang tren.

Sa gilid ng MRT North Avenue station, humaba ang pila ng mga bus na piniling lipatan ng mga apektado at nagmamadaling pasahero.

Nito lang Lunes, naabala rin ang daan-daang pasahero matapos maantala ang operasyon ng MRT. Alas-6:45 na ng umaga nagpalabas ng mga tren, 1 oras na huli sa schedule, dahil naman sa problema sa power supply.

Pitong tren ng MRT ang tumatakbo dakong alas-7 Martes ng umaga.

Ulat nina Jekki Pascual, Lyza Aquino at Isay Reyes, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.