Gwardiya ng bangko, patay sa pananambang

Rodge Cultura, ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2018 05:37 PM | Updated as of Feb 20 2018 10:27 AM

Patay ang isang guwardiya ng EastWest Bank Nasipit, Agusan del Norte branch nang tambangan ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang van na sinasakyan nito, Lunes ng hapon sa bayan ng Buenavista, Agusan del Norte.

Kinilala ang biktima na si Jilson Lumanao, 45 taong gulang. 

Sugatan rin ang manager ng bangko na si Noreyv Barsobya.

Base sa imbestigasyon, nakasakay sina Lumanao at Barsobya sa isang L300 van na may lamang pera nang tambangan ng mga salarin.

Sampung basyo ng bala ang nakuha ng mga awtoridad sa crime scene.

Agad na umalis sa pinangyarihan ng insidente ang mga salarin sakay sa motorsiklo. 

Tinangay rin ng mga ito ang hindi pa matiyak na halaga ng pera.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.