Fact Check: Hindi totoong walang batas laban sa rebelyon | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Fact Check: Hindi totoong walang batas laban sa rebelyon

BAYAN MO,
IPATROL MO
Published Feb 18, 2022 09:40 PM PHT
|
Updated Dec 13, 2024 10:04 PM PHT

Hindi totoong walang batas laban sa rebelyon sa Pilipinas, gaya ng sinabi ni former Defense Secretary at presidential aspirant Norberto Gonzales.

Ang batas laban sa rebelyon ay nasa Article 134-136, sa ilalim ng Title Three (Crimes Against Public Order), Chapter One (Rebellion, Sedition and Disloyalty) ng Revised Penal Code of the Philippines.

“Ang problema natin, wala tayong specific na batas para sa rebelyon. Tinanggal natin yan. Kaya yung nangyari sa batang napatay ang kaso na iyan ay magiging kriminal. Kaya ang gobyerno kikilos ng naaayon sa batas na krimen. Hahanapin ang pumatay at ipapasailalim sa batas, kung anong nararapat na kaparusahan. Yan ang unang step kasi wala tayong batas tungkol sa rebelyon.”

Ito ang sinabi ni Gonzales sa isang presidential debate na ginanap noong Pebrero 15.

ADVERTISEMENT
Ang tinutukoy ni Gonzales na napatay ay si Kieth Absalon, 21, football player ng Far Eastern University na nasawi matapos masabugan ng improvised explosive device sa Masbate noong Hunyo 6, 2021. Inako ng New People's Army ang responsibilidad sa pagkamatay ni Absalon at ng isa pang kasama nito.