MAYNILA- Inaresto ng awtoridad nitong Biyernes ang human rights activist at dating Secretary General ng Karapatan-Caraga na si Dr. Natividad Marian Castro, ayon sa kapatid nito.
Sabi ng kapatid ni Castro na si Menchie Castro, kinuha ang human rights advocate mula sa kanyang bahay sa San Juan City nitong 9:30 a.m. dahil umano sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa Caraga.
Kilala si Castro bilang human rights advocate at health worker sa Mindanao kung saan tumulong sya sa pagbuo ng community health centers at nagtuturo tungkol sa mga karapatang pantao, ayon sa kanyang kapatid.
Tumutulong din daw siya mga biktima ng human rights violation sa Caraga.
Dinala na umano ang duktora sa Butuan City nitong hapon dahil doon naka-file ang kanyang kaso.
Nanawagan ng hustisya ang kanyang pamilya habang kinukundena naman ng Karapatan ang pagkakaaresto kay Castro dahil ipinroseso umano sya na hindi man lang nakakausap ng kanyang abogado at pamilya.
Panawagan ng human rights group na Karapatan, ibasura ang mga anila'y gawa-gawang kaso at palayain si Castro.
--Wheng Hidalgo, ABS-CBN News
PANOORIN
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.