Paalala ngayong Ash Wednesday 2021: Kabutihan mas mahalaga kaysa abo sa noo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paalala ngayong Ash Wednesday 2021: Kabutihan mas mahalaga kaysa abo sa noo

Paalala ngayong Ash Wednesday 2021: Kabutihan mas mahalaga kaysa abo sa noo

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 17, 2021 03:33 PM PHT

Clipboard

Tumatanggap ng abo ang ilang nagsisimba sa labas ng Baclaran Church sa Paranaque, Pebrero 17, 2021. Ngayong may banta ng pandemya, ibinubudbod lang ang mga abo sa noo ng mga nagsisimba imbis na ipahid ito para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MAYNILA - Ginunita ngayong Miyerkoles ang Ash Wednesday, na simbolo sa pagbubukas ng Semana Santa.

At ngayong taon, marami sa mga nakaugalian na ang isinantabi muna dahil sa pandemya, gaya ng pagbubudbod ng abo sa ulo sa halip na ipahid ito sa noo.

Limitado rin ang pinapapasok sa mga simbahan, alinsunod sa pandemic protocols.

Kasama sa mga hindi pinapasok si Dolores Caber, 74 anyos. Kaya sa labas ng Santo Domingo Church na muna siya nagdasal.

ADVERTISEMENT

“Nagdarasal ako para sa buong mundo, mabigyan ng grasya para matapos na ang pandemya,” ani Caber.

Ngayong taon, sa bumbunan na lang ibinubudbod ang abo, imbis na sa noo ngayong may banta pa rin ng COVID-19.

Watch more in iWantv or TFC.tv

“’Di nakasalalay dito ang pagbubukas ng Kuwaresma, nasa pagdarasal, pag-aayuno at pagbibigay ng limos,” ani Fr. Mhandy Malijan, parish priest ng simbahan.

Dahil sa pandemya, pinapayagan na mag-uwi ng mga naka-sachet na abo ang mga magsisimba, at ang head ng pamilya ang maglalagay sa kanyang mga kaanak.

Pero mahalaga na kasabay nito ang taimtim na pagdarasal at pagsisisi sa mga kasalanan.

ADVERTISEMENT

Kasama si Glenn Gutierrez sa mga pumila para mag-uwi ng abo. Hindi kasi niya nakasamang magsimba ang pinsan niyang may cancer.

“Para sa pinsan ko na maysakit. Nakakagaan din naman ng kalooban kahit papano ito na pwede ito,” ani Gutierrez.

Ayon sa simbahan, asahan na rin dapat ng mga katoliko na wala pa rin ang mga tradisyonal na gawain kagaya ng mga prusisyon hanggang sa Semana Santa.

Kakaunti pa ang nagsimba sa Quiapo Church sa unang dalawang misa nito sa Ash Wednesday.

Naging maayos naman at mapayapa ang sitwasyon.

ADVERTISEMENT

Mga lay minister ang nagbubudbod ng abo sa paligid ng simbahan, at nag-ikot ang mga hijos para mabantayan kung nasusundan ang health protocols.

Nagpakalat din ng mga pulis sa lugar.

Sa Baclaran Church, pahirapan naman ang pagtupad sa distancing protocols sa mga maaagang misa.

Paalala naman ni Manila Cathedral Vice Rector Fr. Kali Llamado na hindi mahalaga kung nakikita ang abo sa noo. Mas mahalaga aniya ang kabutihang loob at patuloy na pagdarasal ngayong panahon ng Kuwaresma

— May mga ulat nina Jervis Manahan at Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.