Mag-live-in-partner timbog sa online child pornography | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mag-live-in-partner timbog sa online child pornography

Mag-live-in-partner timbog sa online child pornography

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 17, 2019 06:33 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Arestado ang isang mag-live-in partner na sangkot umano sa online child pornography sa Taguig City nitong Sabado ng hapon.

Ayon kay Chief Supt. William Macavinta, agad nilang kinasa ang operasyon matapos makakuha ng sapat na ebidensiya ukol sa tip ng US Homeland Security Investigation and International Justice Mission.

Na-rescue ang 6 na biktima sa Barangay Calzada, kung saan naaresto rin ang dalawang suspek.

Nailigtas din ang 3 pang biktima sa isang follow-up operation sa Barangay Tuktukan.

ADVERTISEMENT

Karamihan sa mga ito ay edad 5 hanggang 15 anyos, pero ang pinakabata ay isang 1-anyos na babae.

Sariling anak ng babaeng suspek ang 2 sa mga biktima at apo ang isa pa, habang ang iba ay anak ng mga kaibigan at kapitbahay umano nito.

Ayon sa pulis, hindi alam ng mga kapitbahay ang kahalayang ginagawa sa kanilang mga anak.

Kumikita umano ang mag-live-in partner sa pamamagitan ng mga live-stream ng mga kalaswaang kinasasangkutan ng lalaking suspect at mga menor de edad na biktima.

Umaabot sa P2,000 hanggang P5,000 ang bayad kada request ng mga kliyente na karamihan ay mula sa Amerika at Europa.

Na-recover din sa operasyon ang mga cellphone at iba pang device na ginagamit para sa mga live-stream na ito.

Itinanggi ng lalaki ang mga paratang laban sa kaniya at iginiit na nadamay lang siya sa asawa na umamin naman sa mga krimen. Ayon sa babae, sinusubukan lang niya ito.

Maaaring maharap ang dalawa sa patong-patong na kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act, Expanded Anti-Trafficking Persons Act, Anti-Child Abuse Act at Anti-Child Pornography Act.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.