Lalaking natagpuang patay sa SUV sa Caloocan kilala na | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking natagpuang patay sa SUV sa Caloocan kilala na

Lalaking natagpuang patay sa SUV sa Caloocan kilala na

ABS-CBN News

Clipboard

Natukoy ngayong Linggo ang pagkakakilanlan ng lalaking natagpuang patay noong Sabado sa loob ng isang SUV sa Barangay 177, Caloocan City.

Kinilala ang bangkay bilang si Camar Tampla alyas "Marlex."

Ayon sa biyenan ng biktima na si Mariam Lacsaman, dinukot si Marlex noong Huwebes.

Ka-video call daw noon ni Mariam ang kaniyang anak at manugang na si Marlex nang biglang sumasakay sa sasakyan ng mag-asawa ang tatlong lalaki.

ADVERTISEMENT

Nakatakas pa ang asawa ni Marlex at nakausap din ng pamilya ang mga dumukot pero walang nabanggit na ransom, ani Lacsaman.

Iniwan noong gabi ng Biyernes ang SUV sa madilim na bahagi ng kalsada sa Barangay 177. Natagpuan naman noong Sabado ng mga residente ang bangkay ni Marlex.

Walang saksak o tama ng bala pero may mga galos ang biktima, at nilagyan din ng karatulang may nakasulat na ""Huwag tularan, pusher."

Wala pang nakikitang motibo ang pulisya sa krimen, ayon kay Senior Superintendent Restituto Arcangel, hepe ng Caloocan police.

Ayon naman kay Jamael Tandual, kagawad ng Barangay 188 kung saan naninirahan ang biktima, walang masamang rekord sa kanilang lugar si Marlex.

Kinukumpirma ng pulisya kung kasama ang biktima sa drugs watch-list.

Sinisilip na rin nila ang mga kuha ng CCTV para sa posibleng dinaanan ng saskayan para matugis ang mga responsable sa krimen.

-- Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.