FACT CHECK: Hindi sinabi ng ABS-CBN na walang aktibidad si Bongbong noong Feb 12 | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Hindi sinabi ng ABS-CBN na walang aktibidad si Bongbong noong Feb 12

ABS-CBN INVESTIGATIVE & RESEARCH GROUP
Published Feb 16, 2022 02:04 PM PHT
|
Updated Dec 13, 2024 10:03 PM PHT

Ilang report tungkol sa pangangampanya ni dating senador at ngayo’y kandidato sa pagkapangulo na Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Cavite ang lumabas sa iba’t-ibang news platforms ng ABS-CBN noong Pebrero 11 at 12, taliwas sa paratang ng post ng Facebook page na “Blessed Be Philippines.”

Dalawang araw na sinundan ng ABS-CBN News Team ang caravan ni Marcos sa Cavite.

Pero sa post ng “Blessed Be Philippines” makikita ang mga larawan ng nasabing kampanya ni Marcos na nilapatan ng teksto na “Panloloko ng abscbn halatang-halata. Bongbong Marcos dinumog ng mga tao sa Cavite. Pero sa report ng abscbn, wala daw aktibidad si BBM ngayong araw.”

Hindi ito totoo.
Hindi ito totoo.
ADVERTISEMENT
Hapon pa lamang ng Pebrero 11 ay umere na ang live phone patch report ni ABS-CBN News reporter Jacque Manabat tungkol sa nasabing kampanya ni Marcos sa Cavite sa programang “On The Spot” sa Teleradyo.

Sa live video na ito ng On The Spot na naka-upload sa opisyal na You Tube Channel ng ABS-CBN News, mapapanood ang nasabing live report mula sa 15:41 hanggang 19:21 na timecode.

Nang gabi ring iyon, ipinalabas naman sa TV Patrol ang report ni Manabat tungkol sa unang araw ng pag-iikot ni Marcos sa Cavite.

Sa live video na ito ng TV Patrol na naka-upload rin sa ABS-CBN You Tube Channel, mapapanood ang nasabing report mula sa sa 1:54 hanggang 3:02 na timecode.

Kasama rin sa report ang panayam kay Mayor Jonvic Remulla na kasama ni Marcos sa caravan. Sinabi rin sa report na nag-iikot sa Nueva Ecija at Nueva Vizcaya ang running mate ni Marcos na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Nakalathala rin ang nasabing report sa news.abs-cbn.com, ang opisyal na news site ng ABS-CBN.

Ipinalabas muli ang video sa The World Tonight ng ABS-CBN News Channel noong gabi na iyon. Mapapanood ang nasabing report sa live video na ito ng The World Tonight na naka-upload sa ANC You Tube Channel.

Nang sumunod na araw naman, Sabado, Peb. 12, umaga pa lamang ay nag-post na ng video ang opisyal na Facebook page ng ABS-CBN News ng ikalawang araw ng caravan ni Marcos sa Cavite.

Ipinalabas naman sa TV Patrol Weekend ng gabing iyon ang report ni ABS-CBN News Reporter Johnson Manabat kung saan sinabing itinuloy ni Marcos ang kanyang caravan sa Silang at General Mariano Alvarez, Cavite.

Iniulat ring kasama ni Marcos sa caravan ang mga ine-endorso niyang mga kandidato sa pagka-Senador tulad ni dating Palace Spokesperson Harry Roque, dating DPWH Secretary Mark Villar at dating Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Noong araw ding iyon, inireport ng ABS-CBN News ang pag-endorso ng El Shaddai sa Marcos-Duterte tandem.

Maliban sa mga report na inilabas sa mga ABS-CBN News platforms, may mga tweet rin ang mga reporter tungkol sa nangyayaring caravan sa Cavite.

Sa “page transparency” naman ng Facebook page na “Blessed Be Philippines,” makikitang “Jose Panganiban CN Duterte Supporters” ang orihinal na pangalan nito, at ito ay ginawa noong November 23, 2016. Pinalitan agad ang pangalan nito sa “Jose Panganiban CN Beautiful Places” noong araw din iyon. Ilang beses pang nagpalit ng pangalan ang Facebook page noong 2017 hanggang sa maging “Blessed Be Philippines” noong May 2017.

Halos lahat ng posts ng page na ito ay nagpapakita ng suporta sa administrasyong Duterte at sa pamilya Marcos. Kapansin-pansin rin ang mga negatibong post ng page patungkol sa administrasyong Aquino at kay Vice President Leni Robredo.

Mayroon na ngayong 238,000 followers ang nasabing Facebook page.

– With research from Ann Charrize Calusa, ABS-CBN Investigative and Research Group.
ABS-CBN News is part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project, which supports different news organizations in building their fact-checking capacity to meet international fact-checking standards.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT