PatrolPH

'Most wanted' sa Jamindan, Capiz arestado sa kasong rape

ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2021 01:31 AM

Arestado ang nangunguna sa listahan ng most wanted personalities ng pulisya sa bayan ng Jamindan sa Capiz Lunes ng umaga.

Sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba sa sala ni Hon. Judge Rommel Leonor, ng 6th Judicial Region, RTC, branch 21, Mambusao, Capiz, nahuli si John Famucol, 19 taong gulang, sa Brgy. Agcococ, Tapaz, Capiz.

Si Famucol ay nahaharap sa kasong rape sa ilalim ng Article 266-A (1) (a) ng Revised Penal Code.

Walang piyansang inirekomenda ang hukom para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Nakapiit na sa Jamindan police station ang suspek at nakatakdang iharap sa husgado. - ulat ni Rolen Escaniel

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.