Sunog sa Iloilo City nag-iwan ng P1.2 milyon halaga ng pinsala

ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2020 04:51 PM

Limang bahay ang natupok sa Iloilo City nitong madaling araw ng Linggo. ABS-CBN News

Tinatayang nasa P1.2 milyon halaga ng pinsala sa ari-arian ang iniwan ng sunog na tumama sa isang residential area sa Iloilo City nitong madaling araw ng Linggo.

Nasa 5 bahay sa Barangay Concepcion ang natupok sa insidente na nag-umpisa pasado 5:30 ng madaling araw.

Problema sa electrical wiring ang isa sa mga nakikitang sanhi ng sunog, ayon kay Fire Officer 3 Jude Romaquil, imbestigador ng lokal na sangay ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Nagsimula umano ang sunog sa ikalawang palapag ng isang bahay at mabilis na kumalat dahil gawa sa light materials ang mga katabing tirahan.

Bandang 6:50 ng umaga nang magdeklara ng fire out ang BFP.

Wala naming nasugatan sa insidente.

-- Ulat ni Cherry Palma, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.