Lalaki nagkalasog-lasog matapos mabangga ng umano'y drag racers sa Angeles City

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki nagkalasog-lasog matapos mabangga ng umano'y drag racers sa Angeles City

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 16, 2019 07:35 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hustisya ang hiling ng mga kaanak ng isang angkas ng motorsiklo na namatay matapos mabangga ng mga humaharurot na sasakyan sa Angeles City, Pampanga noong Biyernes ng madaling araw.

Lasog-lasog ang katawan at labas ang mga buto ng biktimang kinilalang si Fernando Paguinto, na angkas ng motor na minamaneho ni John Hervin Casas.

Si Casas ay kasalukuyang ginagamot at nasa kritikal na kondisyon.

Binabaybay nila ang kahabaan ng MacArthur Highway sa Barangay San Jose sakay ng motor noong mangyari ang malagim na aksidente.

ADVERTISEMENT

Sa kuha ng isang CCTV, kita ang pagharurot ng tatlong sasakyan na tila nag-uunahan sa highway. Nasapul din sa video ang pagbangga ng isa sa mga kotse sa motorsiklo.

Tumilapon si Paguinto at nasagasaan pa ang katawan ng mga dumaang sasakyan kaya nagkapira-piraso ito.

Sa ilalim ng ordinansa ng Angeles City government, mahigpit na ipinagbabawal ang drag racing sa mga pampublikong lugar.

Biyernes ng gabi ay sumuko na ang nagmaneho ng kotse pero tumanggi itong magbigay ng pahayag.

Naka-impound na sa Angeles City Traffic Management and Enforcement Unit ang sasakyan ng salarin. Dalawa pang dawit sa krimen ang pinaghahanap.

Posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, serious physical injury, at damage to property ang driver.

—Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.