Palengke sa Negros Occidental nasunog, P45 milyong halaga ng paninda tupok | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Palengke sa Negros Occidental nasunog, P45 milyong halaga ng paninda tupok

Palengke sa Negros Occidental nasunog, P45 milyong halaga ng paninda tupok

Martian Muyco,

ABS-CBN News

Clipboard

Madaling araw nang sumiklab ang apoy sa loob ng Manapla Public Market kung saan tinatayang P45 milyong halaga ng paninda ang naabo. Martian Muyco, ABS-CBN News

Tinatayang aabot sa P45 milyon ang halaga ng mga natupok na paninda sa loob ng nasunog na public market sa bayan ng Manapla, Negros Occidental, Biyernes ng madaling araw.

Iba't ibang paninda ang tinupok ng apoy kagaya ng mga bigas, gulay, pagkain, mga grocery items at iba pa.

Ikinagalit ng mga stall owners ang mabagal umanong pagresponde ng mga bombero na nasa likuran lamang ng nasunog na palengke.

Ayon kay Glenda Magallano na nasa loob ng palengke nang mangyari ang sunog, agad na ipinagbigay alam nila sa fire station ang sunog habang pasimula pa lang ang apoy pasado alas-2 ng madaling araw.

ADVERTISEMENT

Pero ayon naman sa officer-in-charge ng Manapla Fire Station na si SFO2 Frankie Guillen, alas 3:20 na ini-report sa kanila ng isang security guard sa katabing convenience store ang nangyayaring sunog.

Agad naman sila umanong rumesponde. Tatlo lamang silang nasa fire station nang mangyari ang sunog.

Pahayag naman ni Provincial Fire Marshall Supt. Pamela Candido, problema sa ngayon sa buong probinsya ang kakulangan sa bombero kaya natatagalan bago maapula ang apoy.

Tumulong din sa pag-apula ng apoy ang mga bombero sa mga katabing bayan.

Tinutukoy pa sa ngayon ng Bureau of Fire Protection kung ano ang naging sanhi ng sunog.

Samantala, nakatakda namang mag-abot ng tulong pinansyal ang lokal na pamahalaan ng Manapla sa mga may-ari ng stall na sa ngayon ay wala nang kabuhayan.

Nag-deklara na din ng state of emergency ang barangay para makahingi ng dagdag na ayuda.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.