Hybrid yellow corn inirekomendang itanim sa dry season sa Pangasinan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Hybrid yellow corn inirekomendang itanim sa dry season sa Pangasinan

Hybrid yellow corn inirekomendang itanim sa dry season sa Pangasinan

Joanna D. Tacason,

ABS-CBN News

Clipboard

Hybrid yellow corn ang nais na ipatanim sa mga magsasaka sa Pangasinan ngayong inaasahang dry spell. Kumpara sa palay, mas matipid ito sa patubig at abono. Joanna D. Tacason, ABS-CBN News


Inirekomenda ng Pangasinan Provincial Agriculture Office sa mga magsasaka ang paggamit ng hybrid yellow corn sa pagtatanim ngayong second cropping season kung saan inaasahan ang epekto ng dry spell.

Nasa 54,000 ektarya ng sakahan ang tinatamnan ng yellow corn lalo na sa mga rain-fed areas tulad ng mga bayan ng Bayambang, Bautista, Alcala, Basista, Malasiqui at San Carlos City.

Mas maganda umano ang ani at kalidad ng produktong mais kung hybrid yellow corn seeds ang gagamitin.

Kung ikukumpara sa pagtatanim ng palay, mas matipid sa patubig at abono ang mais. Mas mataas din ang kita dahil nasa P11 hanggang P16 ang presyo ng mais kada sako, ayon sa agriculture office.

ADVERTISEMENT

Sa ngayon, umaabot sa anim na tonelada kada ektarya ang corn production sa Pangasinan. Itinuturing din na top producer ng mais ang probinsya sa buong bansa.

Kamakailan, nagawaran ng Department of Agriculture ang Pangasinan bilang Hall of Famer sa Corn Quality Award at nabigyan ng P5-milyong premyo na ibibili ng karagdagang hybrid yellow corn seeds na siyang subsidiya sa mga magsasaka.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.