Bloke-blokeng cocaine narekober sa Dinagat Islands | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bloke-blokeng cocaine narekober sa Dinagat Islands

Bloke-blokeng cocaine narekober sa Dinagat Islands

Maan Macapagal,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA – Nasa 37 bloke ng hinihinalang cocaine ang natagpuan sa dalampasigan ng Purok 2, Barangay Poblacion sa bayan ng Cagdianao sa Dinagat Island kamakailan.

Dinala na ang ilegal na droga sa regional crime laboratory sa Butuan City para masuri.

Ayon sa ulat, Pebrero 12 ng hapon nang ipagbigay-alam sa Cagdianao Municipal Police Station ng isang mangingisda ang natagpuang bloke-bloke ng hinihinalang cocaine sa dalampasigan.

Biyernes ng madaling araw naman nakarating ang impormasyon sa Caraga regional police.

Magugunitang isang bloke rin ng cocaine ang nakitang palutang-lutang sa dagat na sakop naman ng bayan ng Vinzons sa Camarines Norte.

ADVERTISEMENT

Nalaman sa laboratory test na cocaine ito na nagkakahalaga ng P5 milyon.

Iniimbestigahan na rin ng awtoridad kung may koneksiyon ang natagpuang cocaine sa Dinagat Island sa drogang nakita sa Camarines Norte.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.