'Love scam' cases sa Pinas posibleng underreported dahil sa 'hiya' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Love scam' cases sa Pinas posibleng underreported dahil sa 'hiya'

'Love scam' cases sa Pinas posibleng underreported dahil sa 'hiya'

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 14, 2022 07:39 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Dumarami ang mga biktima ng mga online love scam sa Southeast Asia, ayon sa cybersecurity firm na Kaspersky.

Halimbawa na rito ang kaso ng isang overseas Filipino worker.

Nagpadala ng P40,000 ang dating OFW na si Erwin Alacre para sa babaeng nakilala niya lang sa Facebook.

Limang buwan pa lang sila naging magkasintahan nang makumbinsi si Alacre na magpadala ng pera para makapagpagawa umano ng bahay ang kanyang girlfriend para sa kanilang dalawa.

Laking gulat na lang ni Alacre na matapos magpadala ng pera, na-ghost na lang siya ng kanyang kasintahan.

ADVERTISEMENT

Ang matindi pa, na-mild stroke siya bago nawala ang nobya at nawalan pa siya ng trabaho dahil sa pandemya.

"Hangang ngayon wala pa akong trabaho, sana bayaran mo ako sa halagang sinend ko sayo. Kung hindi mo ako mabayaran ay bahala na Diyos sa iyo," aniya.

Ayon sa Kaspersky, walang ginagamit na kakaibang teknolohiya ang mga kawatan sa love scam.

"They are scamming based on the prospect of promised love. These are people who reach out through text, calls. They develop from there. They prey on emotional needs," ani Siang Tiong Yeo, Kaspersky general manager for Southeast Asia.

Base sa datos ng Kaspersky, isa sa bawat 2 o halos kalahati sa 1,600 na survey respondents nila ang nawalan ng pera dahil sa love scam.

Ayon sa PNP, aabot na sa 100 kaso ng love scam ang nai-report sa kanila.

Ayon sa anti-cybercrime group, maaaring underreported ang krimen na ito dahil nahihiya ang mga biktima.

"They don’t want to be talked about by other people na nakikikpag-online sex," ani Police Lt. Michelle Sabino.

Naglabas na ng bagong babala laban sa love scams ang PNP ngayong araw ng mga puso para maiwasan ng publiko ang mga ganitong modus.

Ang payo nila, huwag agad-agad magtiwala sa mga taong nakilala sa internet at wag magpadala ng pera sa mga hindi kilala.

—Ulat ni Warren de Guzman, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.