Presyo ng bulaklak sa ilang pamilihan tumaas ngayong Valentine's | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Presyo ng bulaklak sa ilang pamilihan tumaas ngayong Valentine's

Presyo ng bulaklak sa ilang pamilihan tumaas ngayong Valentine's

ABS-CBN News

Clipboard

Tumaas ngayong Valentine's Day ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa Flower Market sa Maynila at Farmers Market sa Cubao, Quezon City, base sa pag-iikot ng ABS-CBN News sa dalawang pamilihan.

Ito ay kasunod ng inaasahang pagtaas ng bilang ng mga bumibili ng bulaklak sa Valentine's Day.

Sa Dangwa Flower Market, nasa P100 mula sa P20 kada piraso ang mga rosas na galing sa Baguio City.

Ang Bangkok at China Roses ay umabot sa P200 kada piraso mula sa P120 hanggang P150 kada piraso.

ADVERTISEMENT

Nagtaas ang presyo ng Equadorian Roses sa P250-P300 kada piraso mula sa kasalukuyang presyuhan na P200 kada piraso.

Sa Farmers Market sa Cubao, Quezon City ay nakita ang sumusunod na presyo:

Presyo ng bulaklak sa Farmers Market Cubao:

  • Red rose (short stem) →P300-P400/dosena
  • Stargazer→P280/stem (dati P150/stem)
  • Tulips →P280/stem (dati P150/stem)

Ang mga naka-arrange na bouquet naman ay nasa P400 hanggang P1,000 pataas ang presyo, depende sa uri ng bulaklak na gagamitin.

-- Ulat nina Fred Cipres at Jervis Manahan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.