Caterer, di sinipot ang kasal; mga bisita, nagsalo sa take-out burger | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Caterer, di sinipot ang kasal; mga bisita, nagsalo sa take-out burger

ABS-CBN News
Published Feb 14, 2018 12:06 PM PHT
|
Updated Feb 14, 2018 10:33 PM PHT

Kilatising mabuti ang kukuhaning caterer.

Ito ang natutunang leksyon ni Mel Sanchez nang hindi sumipot ang inupahang caterer sa araw mismo ng kaniyang kasal.

Unang church wedding noon ni Sanchez sa kaniyang asawa nang makaramdam ng kaba sa umaga mismo ng kanilang kasal.

Aniya, buong araw nilang hinintay ang mga bulaklak at pagkain mula sa supplier na nadiskubre lang nila sa internet. Binayaran nila ito ng P62,000.

"Okay siya kausap. May resibo, may contract so naging confident naman ako na legit. Wala akong hint na magkakaroon ng problema," kuwento ni Sanchez.

Pero natapos ang reception noong hapon pero mga mesa, upuan, at photo booth lang ang dumating at wala pa ring pagkain.

Kaya't take-out burger at juice pack lang ang naipakain nila Sanchez sa mahigit 100 bisita.

"Nahiya din kami doon sa mga bisita although hindi naman sila nagpahalata na nagugutom sila...Siyempre 'yung mga iba galing pa sa malalayong lugar. May isa nag-collapse pa after nung event sa sobrang gutom," kuwento niya.

Pagkatapos ng kasal ay na-block na si Sanchez ng may-ari ng kompanya at hindi na rin sumagot ito sa mga text.
Pagkatapos ng kasal ay na-block na si Sanchez ng may-ari ng kompanya at hindi na rin sumagot ito sa mga text.
ADVERTISEMENT
Nagpa-blotter si Sanchez sa barangay ng caterer sa Dasmariñas at naghahanda na siya sa isasampang kaso.

Ayon sa barangay, pang-apat na itong reklamo laban sa caterer.

Hinaing ni Sanchez, nasaktan siya hindi dahil sa perang nawala kundi sa nasirang pagsasalo.

"Yung pinaghirapan namin na savings sayang pero higit dun yung nasayang na moment dun sa kasal. Mabalik man 'yung pera pero 'yung lost moment hindi maibabalik," ani Sanchez.

Isang events company naman ang nag-presinta na ulitin nang libre ang kasal ni Sanchez. --Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News