SOGIE bill, hindi dini-delay sa Senado ayon kay Villanueva | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SOGIE bill, hindi dini-delay sa Senado ayon kay Villanueva

SOGIE bill, hindi dini-delay sa Senado ayon kay Villanueva

Robert Mano,

ABS-CBN News

Clipboard

Nanindigan si Senate Majority Leader Joel Villanueva na walang delaying tactics sa Senado kaugnay sa pagpasa sa SOGIE bill.

Ito’y matapos mai-refer sa Committee on Rules sa halip na ma-sponsor sa plenaryo ang panukala.

Sabi ni Villanueva, iisang hearing pa lang ang ginawa ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na pinamumunuan ni Senator Risa Hontiveros.

Paliwanag niya, “Iisang hearing pa lang nangyari sa committee so how can you say it is delaying. No one no one can debate on the rules of the Senate, you have 17 senators agreeing to this representation that it should be studied further, and we can't just allow a sector of society to control the entire Senate, the entire Congress and subscribe to what they are asking for, hindi ho ganun. It doesn’t work that way. This is a sensitive issue. I don't think one hearing would be enough to come up with committee report.”

ADVERTISEMENT

Giit ni Villanueva na hindi dahil ginagawa ng ibang bansa ay gagawin na rin sa Pilipinas.

“Gusto nila same-sex marriage? Ano ba huwag na tayong maglokohan. Is this what they are asking for? Sinasabi nila hindi. 'Wag tayong maglokohan, same-sex marriage talaga yung gusto. If you can't respect the word of God, if you cannot respect the Bbible, eh please respect naman yung beliefs ng ating mga kababayan. Hindi pwedeng balewalain na lang ito at sabihin na lang natin na kasi ito ay ginagawa ng ibang bansa," dagdag pa niya.

Paliwanag pa ni Villanueva, partikular na kanyang kinukwestyon ay ang halimbawa ang paggamit ng comfort room.

“If a daughter wanted a space doon sa bathroom and then a certain guy feels that I am a woman, his daughter is not comfortable for this person to go inside the bathroom paano naman siya?” paliwanag pa ng mambabatas.

Ang diskriminasyon aniya dapat tutulan ng lahat at walang pinipiling sektor.

ADVERTISEMENT

Ang nais aniya ng mas nakararaming senador ay bumuo ng holistic anti-discrimination na batas na lahat kasama.

Kahit aniya ang ilang may akda ng SOGIE bill ay sinasabi ngayon na dapat holistic o lahat kasama maging ang LGBTQIA group, at religious group.

Kaya susunod lang aniya sila sa magiging desisyon ng committee on rules kung saan miyembro din ang minorya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.