Lalaki arestado nang makuhanan ng droga, baril sa Pasig | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki arestado nang makuhanan ng droga, baril sa Pasig

Lalaki arestado nang makuhanan ng droga, baril sa Pasig

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Arestado ang isang lalaki matapos makuhanan ng hinihinalang shabu at baril sa buy-bust operation sa Pasig City nitong Sabado, ayon sa pulisya.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek bilang si alyas "Axel," 28, na matagal na umanong minamatyagan dahil sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot.

Nakumpiska mula sa suspek ang 14.7 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P99,960 at buy-bust money.

Narekober din sa suspek ang isang kalibre .22 na handgun na kargado ng anim na bala. Wala ring serial number ang baril.

ADVERTISEMENT

Inaalam pa ng mga awtoridad kung bahagi si "Axel" ng isang drug group na nago-operate sa lungsod.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

— Ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN News

FROM THE ARCHIVES

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.