Lalaking nanunog sa 2-taong gulang na bata, natagpuang patay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Lalaking nanunog sa 2-taong gulang na bata, natagpuang patay

Maria Cecilia Butardo,
ABS-CBN News
Published Feb 13, 2020 12:52 PM PHT
|
Updated Feb 13, 2020 02:57 PM PHT
(UPDATE) Patay na nang matagpuan ng mga pulis madaling araw ng Huwebes ang lalaking suspek sa panununog sa 2 taong gulang na bata sa Lanao del Norte.

Sa palikuran ng custodial facility ng Maigo Municipal Police Station nadiskubre ang wala nang buhay na si Florencio Curay.

Ayon sa pulisya, ipinasilip nila sa kapwa detainee si Curay dahil matagal itong hindi lumalabas mula sa palikuran.

Nakita umano ng detainee na hindi na gumagalaw si Curay.
Nakita umano ng detainee na hindi na gumagalaw si Curay.
ADVERTISEMENT
Dagdag ng pulisya, ginamit ni Curay ang sling ng bag na pinaglagyan ng kaniyang mga damit na dala ng dumalaw niyang anak.

Napag-alaman mula sa kapwa detainee ni Curay na nagsabi itong magpapakamatay kung hindi maaareglo ang tatay ng biktima. Nakiusap umano siyang magbabayad ng blood money sa halagang P100,000 kapalit ng pag-urong ng demanda laban sa kaniya pero tumanggi ang ama ng bata.

Pansin din umano ng mga pulis ang pagkabalisa at kawalan ng gana nitong kumain.

Huwebes sana ihaharap sa piskalye si Curay sa kasong murder in relation to Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law dahil sa panununog sa batang lalaking anak ng kaniyang karelasyon sa Purok 7, Barangay Sigapod noong Linggo ng gabi.

Tumestigo laban kay Curay ang kaniyang pamangkin na hiniraman niya ng lighter na ipinansindi sa katawan ng bata. May ulat ni Roxanne Arevalo, ABS-CBN News