BASAHIN: Pasasalamat mula sa ABS-CBN

ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2020 07:28 PM | Updated as of Feb 13 2020 09:07 PM

Watch more in iWantTFC

Sa ngalan ng lahat ng empleyado ng ABS-CBN, kami po ay lubos na nagpapasalamat sa mga nagpaparating ng suporta para sa amin.
 
Nagbibigay po sa amin ng inspirasyon at tibay ng loob ang mga pahayag ng suporta mula sa mga opisyal ng gobyerno, kapwa taga-media mula sa Pilipinas at ibang bansa, iba’t ibang organisasyon ng industriya, akademya, simbahan, artista, mga Kapamilya, Kapuso, Kapatid, kaibigan, fans, at mga manonood.
 
Maraming salamat sa inyong pagkilala sa aming serbisyo para sa milyon-milyong Pilipino sa buong mundo. Lalo naming pagsisikapang makapaghatid ng balita, kasiyahan, at serbisyo-publiko sa sambayanan.
 
Salamat din po sa inyong tiwala na ang ABS-CBN ay naglilingkod nang tapat, may integridad at hindi lumalabag sa batas.
 
Dinarasal po namin na magkakaroon na ng pagkakaunawaan ang lahat tungkol sa usaping ito.
 
Isang malaking karangalan po para sa ABS-CBN ang makapagserbisyo at maging bahagi ng buhay ng bawat Pilipino.
 
Muli, maraming maraming salamat po.