Bata, 'himalang' nakaligtas sa sunog sa QC | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bata, 'himalang' nakaligtas sa sunog sa QC

ABS-CBN News
Published Feb 13, 2019 05:09 AM PHT
|
Updated Feb 13, 2019 09:16 PM PHT

MAYNILA - Nakaligtas ang isang 4 anyos na bata matapos ma-trap sa loob ng nasusunog nilang bahay sa Cubao, Quezon City.

Base sa imbestigasyon, naiwan sa bahay ang bata nang sumiklab ang sunog alas-8 Martes ng gabi.

Ayon sa tiyahin ng bata, napabayaang kandila ang pinagmulan nito.

Sinubukang isalba ng mga kaanak ang bata, pero dahil sa nakasarang pinto at sa lakas ng apoy, hindi nila ito mailabas.

"Pinipilit ko abutin 'yung bata, 'di maabot ng papa ko. 'Yung mama ko, nasunog na buhok sa pag-abot," aniya.

Bumagsak ang bubong at naabo ang mga dingding ng bahay. Ilang oras hinanap ng mga bombero ang bata pero wala silang nakita kaya halos nawalan na ng pag-asa ang mga kaanak.

Hindi bumitaw ang lolo ng bata at ipinagpatuloy ang paghahanap sa kaniyang apo. Laking gulat nila nang makitang buhay ang bata sa sulok ng nasunog na kuwarto.

"Nagsalita papa ko, 'Nasaan ka?' Sumagot siya, 'Lolo, nandito po ako.' Himala po talaga," kuwento ng tiyahin ng bata. - ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News