Lolang halos isang buwang nawawala, natagpuang patay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Lolang halos isang buwang nawawala, natagpuang patay

Lolang halos isang buwang nawawala, natagpuang patay

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 12, 2023 06:45 PM PHT

Clipboard

Natagpuan nitong Pebrero 11, 2023 ang naaagnas na bangkay ng isang lolang halos isang buwan nang nawawala sa bayan ng Tanay, Rizal. Karen De Guzman, ABS-CBN News
Natagpuan nitong Pebrero 11, 2023 ang naaagnas na bangkay ng isang lolang halos isang buwan nang nawawala sa bayan ng Tanay, Rizal. Karen De Guzman, ABS-CBN News

MANILA — Naaagnas na nang matagpuan ang bangkay ng isang lolang halos isang buwan nang nawawala sa Barangay Cuyambay sa bayan ng Tanay, Rizal nitong Sabado.

Na-recover ng mga awtoridad ang bangkay ng 79-anyos na si Edilberta Gomez, residente ng Barangay Pinyahan, Quezon City, sa isang matarik na bahagi ng bundok.

Noon pang Enero 14 naiulat na nawawala ang biktima.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, huling nakitang buhay si Gomez noong nakaraang buwan sakay ng isang taxi papuntang Mayon, Quezon City.

ADVERTISEMENT

Susunduin sana ni Gomez ang isang kamag-anak doon bago tumulak ng Manaoag Church sa Pangasinan.

Nang hindi nakauwi si Gomez, nanawagan ang kanyang mga kaanak sa mga himpilan ng radyo at telebisyon na tulungan sila hanapin ang biktima.

Nitong Sabado ng umaga lang nag-report ang isang concerned citizen na may bangkay na natagpuan sa bandang Marilaque Highway sa Tanay, Rizal.

Agad namang rumesponde ang tauhan ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD sa lugar. Dito na nakumpirma ng isang pamangkin ni Gomez na bangkay nga ito ng kanyang tiyahin.

Isinailalim sa DNA test at autopsy ang mga labi ni Gomez nitong Sabado ng gabi.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang ikinamatay ng biktima.

—Ulat ni Karen De Guzman, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.