Tinapay na may shabu tinangka ipuslit sa Davao City police station | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tinapay na may shabu tinangka ipuslit sa Davao City police station

Tinapay na may shabu tinangka ipuslit sa Davao City police station

ABS-CBN News

Clipboard

Naaresto ang isang 27-anyos na babae matapos umanong magtangkang magpuslit ng hinihinalang shabu sa loob ng isang police station sa Davao City nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa pulisya, nadiskubre ang naturang ilegal na droga sa loob ng isang loaf bread na dala ng suspek. May timbang na 3 gramo at nagkakahalaga ng P48,000 ang kontrabando.

Ihahatid niya sana ito kasama ang mga personal na gamit sa kanyang kaibigang kasalukuyang nakakulong sa Mandug Police Station.

May kasong pagbebenta ng ilegal na droga ang kaibigan ng suspek, ayon sa mga awtoridad.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Mandug Police Station, nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang naaresto.

— Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA BALITA

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.