Senior high students, mauuna sakaling ibalik ang face-to-face classes | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Senior high students, mauuna sakaling ibalik ang face-to-face classes

ABS-CBN News
Published Feb 09, 2021 03:21 PM PHT

Posibleng mauna ang mga senior high school student na makapag-face-to-face classes sakaling payagan na ito ulit ng gobyerno, sabi ngayong Martes ng Department of Education (DepEd).

Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, patuloy ang paghahanda ng ahensiya para sa dry run ng limited face-to-face classes habang hinihintay ang pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

"Naniniwala kami na iyong mga senior high school learners, lalo na sa tech-voc (technical vocational track), ay pwedeng maging priority," ani San Antonio sa panayam ng ABS-CBN News.

"Hindi rin sila kailangang sabay-sabay na magpuntahan sa school, staggered din iyan para mas kakaunti ang bata na nasa paaralan," dagdag ni San Antonio.

ADVERTISEMENT
Noong Enero, magdaraos dapat ng dry run para sa limited face-to-face classes sa ilang paaralan pero pinatigil ito ni Duterte dahil sa banta ng bagong variant ng COVID-19 na mas nakakahawa.

Habang wala pang face-to-face classes, patuloy rin umanong binabantayan ng DepEd ang pagpapatupad ng distance learning maging ang pagbibigay ng flexibility sa pagpasa ng requirements ng mga estudyante.

Balak din umanong imungkahi ng Curriculum and Instruction strand ng DepEd na palawigin ang school calendar, na sa ngayo'y nakatakdang matapos sa Hunyo 11.

"Wala pang definite number of weeks na extension pero isa 'yan sa tinitingnan namin. Para ang lahat ng mag-aaral, lalo na iyong medyo nagkakaroon ng challenges, ay mabigyan ng pagkakataon na maisumite ang mga kailangang gawin," ani San Antonio.

Oktubre 5 nang magbalik-eskuwela ang mga estudyante sa public schools.

May higit 25 milyong naka-enroll sa basic education ngayong taon, base sa datos ng DepEd.

Sa higher education, pinayagan na ang limited face-to-face classes para sa medical at allied health programs sa ilang pamantasan.

-- Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News
RELATED VIDEO:
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Department of Education
DepEd
face-to-face classes
senior high school students
SHS
SHS tech-voc track
academic calendar
distance learning
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT