P100 wage increase sa Metro Manila, mga probinsiya hirit ng labor group | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

P100 wage increase sa Metro Manila, mga probinsiya hirit ng labor group

P100 wage increase sa Metro Manila, mga probinsiya hirit ng labor group

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 10, 2021 02:06 AM PHT

Clipboard

MAYNILA - Nanawagan ang isang labor group na dagdagan ng P100 ang minimum wage para sa mga manggagawa sa buong bansa, sa harap ng mga taas-presyo sa mga bilihin.

Aabot sa P100 ang nabawas sa aktuwal na halaga ng P537 na minimum wage sa Metro Manila, ayon sa datos ng pamahalaan. Kaya naman, tingin ng Defend Jobs Philippines, P100 rin dapat ang itaas sa arawang sahod hindi lang sa Metro Manila, kung hindi pati na rin ng mga nasa probinsiya.

"'Yun pong tumaas naman ang bilihin, pamasahe, across the board din naman, lahat naman apektado eh. Kaya tingin namin makatuwiran 'yung pagtaas ng sahod, across the board din," ani Christian Lloyd Magsoy, tagapagsalita ng Defend Jobs Philippines.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bagama’t may inaasahang proseso ang pagbibigay ng umento, suportado ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kahit na anong tulong na maibibigay sa mga manggagawa.

ADVERTISEMENT

"We do support kasi nga, kami nga wage subsidy, like 25 percent to 50 percent of the prevailing minimum wage 'yung aming pinu-push. But any amount that will help people spend will be of great help. Ang kailangan lang nating tignan is 'yung mekanismo nitong programa po na ito or ng proposal na ito," ani DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay.

Mula nitong Enero, nasa 25,226 na ang natanggal sa trabaho, habang 108,089 na ang natigil dahil sa temporary closure o hindi kaya ay nabawasan ang araw ng pasok at sahod. Nais ng DOLE na magkaroon ng wage subsidy para sa mga nabanggit na empleyado para mabawasan ang tanggalan.

Pero mahigit P40 bilyon ang irerekomendang pondo ng DOLE sa Bayanihan 3.

Suportado ng Defend Jobs Philippines ang panukala pero iginiit nila na kailangan pa ring taasan ang mga sahod ng mga manggagawa.

"Kasi wage subsidy, ano 'yun eh, may timeframe lang siya na panahon ng pandemic. Papano kung wala nang pandemic, hindi pa rin nakakabawi sa crisis? Eh di mawawalan din siya ng saysay," ani Magsoy.

Sa panukala ng DOLE, tatlong buwan tatagal ang wage subsidy na inaasahang makakatulong sa 1.6 milyong manggagawa.

Pero ayon sa Defend Jobs Philippines, mahigit 30 milyon ang makikinabang kapag itinaas ang sahod, kung saan makikinabang din ang ekonomiya at mga negosyo.

—Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.