Halos 1 taon mula nang mag-lockdown, PUV drivers hirap pa rin | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Halos 1 taon mula nang mag-lockdown, PUV drivers hirap pa rin

ABS-CBN News
Published Feb 09, 2021 06:08 PM PHT
|
Updated Feb 09, 2021 08:04 PM PHT

Kahit umuulan nitong umaga ng Martes, tuloy pa rin sa pamamalimos sa gilid ng kalsada sa Quezon City ang dating jeepney driver na si Rodel Roldan.

Dahil brusko at malaki ang pangangatawan, imbes na kaawaan, pangungutya ang natatanggap niya at ng mga kasamahan.

"Karamihan sa mga sasakyan parang inaano kami na ang lalaki ng katawan namin, hindi kami maghanapbuhay. Hindi lang nila alam na gusto naming maghanapbuhay, wala lang tumanggap," ani Roldan.

Sinubukan umano ni Roldan na maghanap ng trabaho pero hindi kaya ang gastos sa swab test, na bagong requirement.
Sinubukan umano ni Roldan na maghanap ng trabaho pero hindi kaya ang gastos sa swab test, na bagong requirement.
ADVERTISEMENT
Napilay pa siya nang sumabit sa isang truck para makatipid sa pamasahe.

"Siyempre 'yong pamasahe ko sana iaambag ko pambili ko ng bigas... Nangungupahan kami ng bahay, ilaw, tubig, lahat binabayaran kaya hirap na hirap po kami," ani Roldan.

Sumali naman sa protesta ng transport network vehicle service (TNVS) at taxi driver si Alberto Ganara sa harap ng tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Napabilang siya sa mga driver na biglang binitawan ng isang TNVS.

Hindi na niya halos mahulugan ang inutang na sasakyan, na inakala niyang mapapasakaniya makalipas ng 3 dekadang pagmamaneho ng sasakyan ng iba.

Wala nang halos tulog at pahinga si Ganara mula nang magkapandemya.

"Kasi kailangan kumayod ako pag-uwi ko ng bahay, matutulog na lang ako pagkatapos ko kumain... Kumbaga walang pahinga," ani Ganara.

Limitado na nga ang ibinibigay na bilang ng mga bus na pinapayagang bumiyahe, nababawasan pa ito dahil sa iba't ibang restriction ng mga ilang probinsiya, kaya may mga nag-iisip na ring ibenta ng mga kompanya.

"Labing-isang buwan nang hindi nakapag-operate ang majority ng provincial buses... pero ang gastusin sa pag-operate ng bus... ay nandoon pa rin," ani Provincial Bus Operators Association of the Philippines Executive Director Alex Yague.

"Kung magpapatuloy pa ito, marami pa ang operator na maapektuhan," ani Yague.
"Kung magpapatuloy pa ito, marami pa ang operator na maapektuhan," ani Yague.
ADVERTISEMENT
Bumiyahe man o hindi, lugi pa rin sila umano, at kahati pa nila sa kaunting kita ang mga kolorum.

"Sa social media, pumunta ka lang doon sa platform na ito, sabihin mo ikaw ay pupunta sa anong parte ng Pilipinas ay may makukuha ka nang private message na may available na sasakyan na doble o triple ng present na pamasahe, sasabihin nila na sila na ang bahala sa mga travel documents," ani Yague.

"Ang pasahero mas convenient na sumakay sa colorum kasi hindi na nila kailangan kumuha ng travel documents," dagdag niya.

Halos isang taon na ang nakalipas nang ipatigil ang biyahe ng mga pampublikong sasakyan dahil sa COVID-19 pandemic hanggang sa unti-unti rin itong pinayagan pero limitado lang.

Para sa mga nangangalam ang sikmura, tulad nina Roldan at Ganara at kanilang mga pamilya, huwag na sanang umabot ng isang taon na sila'y namamalimos o lubog sa utang.

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
transportasyon
PUV
PUV drivers
jeepney driver
taxi driver
TNVS driver
bus
bus operator
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT